top of page

Dulaang UP: Panawagan para sa mga showbuyer

Aug 18
1 min read

Ang Fiestas y Muertos ay isang reimahinasyon ng Noli Me Tangere ni José Rizal, ang produksiyon ay salin ni Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Virgilio S. Almario, inangkop ni Andrew Estacio, at sa direksyon ni José Estrella.


Sa Fiestas y Muertos, muling binibigyang-buhay ang mundo ng Noli Me Tangere sa pamamagitan ng magkasalungat na larawan ng fiesta at muertos. Sa gitna ng ingay, kulay, at karangyaan ng pagdiriwang, unti-unting lumilitaw ang isang bayang nilalamon ng kahirapan, katiwalian, pang-aapi, at pagkabulok.


Ang San Diego ni Rizal ay nagiging isang mundong patuloy na nagdiriwang habang humaharap sa sarili nitong mga sugat. Ang fiesta ay nagiging tanawin ng sapilitang saya, habang ang muertos ay nagsisiwalat sa mga realidad na hindi kayang pagtakpan ng anumang pagdiriwang.


Sa pagitan ng pagdiriwang at kamatayan, muling hinaharap ng Fiestas y Muertos ang mga tanong na iniwan ni Rizal tungkol sa bayan, kapangyarihan, at pag-asa.


🎭 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗘𝗧𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗛𝗢𝗪𝗕𝗨𝗬

• 24 Oktubre 2026 (Sabado) | 7:00 PM

• 25 Oktubre 2026 (Linggo) | 7:00 PM

• 7 Nobyembre 2026 (Sabado) | 7:00 PM

• 8 Nobyembre 2026 (Linggo) | 7:00 PM

• 14 Nobyembre 2026 (Sabado) | 7:00 PM

• 15 Nobyembre 2026 (Linggo) | 7:00 PM


Para sa mga paaralan, organisasyon, kompanya, at iba pang grupong nais mag-showbuy at bulk buy, makipag-ugnayan sa:

📞 0915 355 2684


Maaari ring magpadala ng mensahe sa opisyal na Facebook page ng Dulaang UP para sa mga katanungan.

 
 
 

Comments


bottom of page